Jackson Hub (Tagalog)

Pagpaplano ng Jackson Hub

Ang tungkol sa proyekto na ito

Ang aming mga ahensya at mga departamento ay hindi magkakapantay na inapektuhan ang mga kapitbahayan sa Pioneer Square at ang Chinatown International District sa paggawa ng mga malakihan na proyektong imprastraktura na hindi sinesentro ang mga boses ng mga Itim, Mga Katutubo, Mga Mamayan ng Kulay na patuloy na nagtitiis sa pasanin ng rasismo na pangsistema, COVID-19, at karahasan ng rasismo. Nais namin na malutasan ito sa pamamagitan ng pagbuo ayon sa nakaraang mga proseso ng pagpaplano na pinangunahan ng komunidad, palakasin ang mga boses ng komunidad, at pagbutihin ang koordinasyon sa loob at sa mga ahensya upang isentro ang pagkakapantay-pantay ng lahi at tumuon sa mga halaga ng komunidad. Kami ay nagtatrabaho para sama-sama na lumikha ng isang inbentaryo ng mga aksyon para sa Sound Transit, Lungsod ng Seattle, King County, at iba pa upang isulong ang mga resulta na nais ng komunidad para sa mga kapitbahayan sa Chinatown International District at Pioneer Square, at komunal na lumikha ng isang naplano ng maayos na hub gateway ng transportasyon na nagsisilbi sa mga kapitbahayan, ang Lungsod, at ang rehiyon.

Fact Sheet ng Proyekto (02/2022)

Kasaysayan

Noong 2019, ang ilang South Downtown na mga Stakeholder mula sa Chinatown International District at Pioneer Square ay humiling sa Lungsod, Sound Transit, at King County na makipag-kolaborasyon upang:

  • Suriin ang nakaraan na mga resulta ng pagpapa-aabot upang maunawaan kung ano ang sinasabi ng mga miyembro ng komunidad sa nakaraang 20 taon tungkol sa kanilang mga kapakanan, mga pangangailangan, mga malasakit at mga prayoridad.
  • Magkasamang magtrabaho - at kaugnay ang mga myembro ng komunidad - upang matukoy ang mga maaring maaksyunan na mga layunin ng bawat ahensya - pati ang Washington State Department of Transportation at Port ng Seattle - kung ano ang maisusulong sa mga kapitbahayan na ito upang matugunan ang mga prayoridad at mabawasan ang kapahamakan.
  • Isama ang mga prayoridad ng komunidad sa mga proyekto sa hinaharap at mga plano na nakakaapekto sa mga kapitbahayan na ito.

Kami - ang Lungsod, Sound Transit, at King County - ay naghihintay pa rin na humupa ng sapat ang mga epekto sa pampublikong kalusugan at ekonomiya na dulot ng pandemya upang ligtas na makipag-ugnayan sa mga miyembro ng komunidad. Pansamantala, aming sinuri ang mga nakaraang resulta ng pagpapa-abot, hinangad na maunawaan kung ano ang sinabi ng mga miyembro ng komunidad tungkol sa kung ano ang mahalaga sa kanila, at isinasaalang-alang kung ano ang maaaring maging kahulugan nito para sa mga proyekto sa hinaharap. Ang Alliance for Pioneer Square, Chinatown International District Business Improvement Area (CIDBIA), Downtown Seattle Association, Historic South Downtown, Interlm Community Developement Association (Interlm CDA), at Seattle Chinatown International District Prevention and Development Authority (SCIDpda) ay sinuportahan ang pagsisikap na ito sa pamamagitan ng pagtulong sa amin na maunawaan at maisa-ayos ang sinabi ng mga miyembro ng komunidad sa nakaraang pagpapa-abot.

Kabilang sa hinaharap na pakikipag-ugnayan ang:

  • Kung naunawaan namin ng wasto ang mga nakaraang puna.
  • Ano pa ang kinakailangan namin malaman.
  • Kung paano namin maaring maisama ang mga prayoridad na pinangungunahan ng komunidad sa mga proyekto at mga plano sa hinaharap.

Para sa karadagang Impormasyon

Maari lamang na mag-email sa Magda.Hogness@seattle.gov o Lizzie.Moll@seattle.gov.

Kapag mag-email kayo, ipagbigay alam sa amin kung kayo ay nangangailangan ng tagapagsalin.

Pagtatatuwa: Pakatandaan na ang ilan sa mga materyales ay pinaikli para sa pagsasalin, at maaaring iharap sa iba mula sa Ingles na bersyon.

Planning and Community Development

Rico Quirindongo, Director
Mailing Address: P.O. Box 94788, Seattle, WA, 98124-7088
Phone: (206) 386-1010
opcd@seattle.gov

The Office of Planning and Community Development (OPCD) develops policies and plans for an equitable and sustainable future. We partner with neighborhoods, businesses, agencies and others to bring about positive change and coordinate investments for our Seattle communities.